Opisyal nang natapos ang Amihan! Dahil sa High Pressure Area (HPA) sa Northwestern Pacific, ang hangin ay mula na sa silangan, hudyat ng pagsisimula ng mainit at tuyong panahon. Pero sa Extreme Northern Luzon, posible pa rin ang malamig na hanging Amihan paminsan-minsan.
Asahan ang unti-unting pag-init ng panahon sa buong bansa, kasabay ng mga panaka-nakang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms. Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa heat stress at magtipid sa tubig.
Patuloy na mag-abang ng updates mula sa DOST-PAGASA para sa lagay ng panahon at posibleng epekto nito. | via Lorencris Siarez | Photo via ultimateweather.net
#D8TVNews #D8TV