Nag-file ng notice of strike ang faculty ng UST dahil sa unpaid backpay

Nag-file ng strike notice ang UST faculty union sa Department of Labor and Employment dahil sa umano’y hindi pa naibibigay na ₱220M backpay sa mga propesor.
Ayon kay UST faculty union president Emerito Gonzales, apat na taon nang hindi natatanggap ng mga guro ang kanilang taunang backpay mula 2020-2024. Dahil dito, naglabas na ng show-cause order ang Commission on Higher Education para pagpaliwanagin ang UST administration.
Nagka-deadlock ang negosasyon para sa 2021-2026 collective bargaining agreement noong Marso 14, bunsod ng hindi pagkakasundo sa economic benefits at sa 70% na bahagi ng mga guro sa tuition hike.
Sinabi ng UST na patuloy nilang sinusuportahan ang kapakanan ng faculty sa pamamagitan ng iba’t ibang programa. Samantala, nagpahayag ng suporta ang ACT Teachers party-list sa laban ng mga guro para sa dagdag-sahod at benepisyo. | via Allan Ortega | Photo via msn

D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *