Matapos ang mahigit isang dekada bilang utak ng Barangay Ginebra, iba na ang papel ni LA Tenorio—nasa gilid na lang siya, nagbibigay ng utos ni Coach Tim Cone sa mas batang tropa, kabilang si Scottie Thompson, dating apprentice niya na ngayo’y isa sa pinakamagagaling sa PBA.
Ngayon, isang panalo na lang ang Ginebra para sa panibagong kampeonato! Sa harap ng Game 6 ng PBA Finals kontra TNT, pabiro pero may laman ang sinabi ni Tenorio kay Thompson: “Binibigyan kita ng championship noon, ngayon naman ako!”
At mukhang kayang suklian ni Thompson ang beterano! Sa Game 5, gumawa siya ng 16 puntos, 10 rebounds, 5 assists, 2 steals, at isang block—kasama si Justin Brownlee na kahit may iniindang injury, lumalaban pa rin.
Pero di basta-basta susuko ang TNT! Best Import Rondae Hollis-Jefferson, nagbabala: “Lalaban kami hanggang dulo!” Kaya abangan ang Game 6 ngayong Miyerkules, 7:30 PM sa Smart Araneta Coliseum—tapang at puso ang magpapasya kung sino ang bagong hari! | via Allan Ortega | Photo via Onesports.ph
#D8TVNews #D8TV