AFP: Sa posibleng pagdating ng pangalawang Typhon, “Mas marami, mas masaya.”

Pinapurihan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng pag-deploy ng isa pang US-made mid-range missile system na “Typhon” sa bansa. Ayon sa ulat ng Defense News, inihahanda ng US Army ang kanilang Typhon battery para sa Pacific deployment.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla, magandang balita ito dahil ginagamit na nila ang Typhon sa training mula pa noong nakaraang taon. Mas maraming kagamitan, mas maraming sundalo ang matututo, dagdag niya.
Samantala, iginiit ng Philippine Navy na ang pagpapalakas ng depensa ng bansa ay hindi laban sa sinumang bansa kundi bahagi ng soberanya ng Pilipinas. Tiniyak rin nilang sumusunod ang AFP sa international law, taliwas umano sa ginagawa ng China.
Ang Typhon system, na unang dinala sa Pilipinas noong Abril 2023 para sa military exercises, ay may kakayahang maglunsad ng Tomahawk missiles na may abot na 1,500 km at SM-6 missiles na may sakop na 240 km. | via Lorencris Siarez | Photo via US Army Pacific

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *