Bawal ang pulitika sa graduation! – DepEd

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan na huwag makisangkot sa eleksyon o pamumulitika sa graduation at moving-up ceremonies para sa SY 2024-2025.
Sa ilalim ng Department Memorandum No. 27 s. 2025, ipinagbawal ni Education Secretary Sonny Angara ang anumang electioneering o partisan political activities ng mga guro at empleyado ng DepEd, alinsunod sa mga patakaran ng kagawaran.
Itinakda ng DepEd ang EOSY rites sa Abril 14-15 para sa mga magtatapos sa Kindergarten, Grade 6, Grade 10, Grade 12, at Alternative Learning System (ALS). Dapat itong isagawa nang simple pero makabuluhan, nang walang labis na gastusin o engrandeng kasuotan. Bawal din ang pangongolekta ng kontribusyon mula sa mga estudyante.
Pinayuhan din ang mga paaralan na isagawa ang seremonya sa mga indoor o covered na lugar para maiwasan ang matinding init.
Samantala, binati ni Angara ang mga magsisipagtapos at hinikayat silang dalhin ang mga pagpapahalagang Pilipino sa kanilang susunod na yugto ng buhay. Tiniyak din niya ang patuloy na pagsisikap ng DepEd na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *