Nagsimula kahapon ang tatlong linggong joint military exercises ng mga sundalo mula sa Pilipinas at U.S., na nakatutok sa depensa ng teritoryo at malawakang deployment ng puwersa.
Aabot sa 5,000 sundalo mula sa Philippine Army at U.S. Army Pacific ang lalahok sa unang bahagi ng Exercise Salaknib ngayong taon, habang may kasunod pang phase sa hinaharap.
Inaasahang darating ngayong linggo si U.S. Defense Secretary Pete Hegseth sa Maynila para makipagpulong sa mga lider ng Pilipinas at militar.
Layon ng pagsasanay na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang hukbo, kabilang ang large-scale maneuvers, live-fire drills, at territorial defense.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lumalim ang ugnayan sa U.S., kasabay ng mas matigas na tindig laban sa China sa isyu ng South China Sea.
Samantala, exempted ang Pilipinas sa 90-day funding freeze ng administrasyong Trump, kaya makatatanggap ito ng $336 milyon para sa modernisasyon ng sandatahang lakas. | via Lorencris Siarez | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV