Palasyo: Dapat ipaliwanag ni VP Sara ang ‘kahina-hinalang’ mga tumanggap ng confidential fund

Hinimok ng Malacañang si Vice President Sara Duterte na magpaliwanag tungkol sa umano’y pekeng benepisyaryo ng kanyang confidential funds.
Ayon kay Presidential Communications Usec. Claire Castro, may obligasyon si Duterte na linawin ang mga nadiskubreng anomalya, lalo na ang ulat tungkol sa pekeng resibo mula sa kanyang opisina.
Isiniwalat ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega ang listahan ng mga kahina-hinalang pangalan na nakinabang umano sa P612.5M confidential funds ng DepEd, na pinamunuan ni Duterte mula 2022 hanggang 2024.
Kabilang sa listahan ang “Amoy Liu,” “Fernan Amuy,” at “Joug De Asim,” na tinawag niyang “Team Amoy Asim.” Wala rin umano ang mga pangalan sa record ng Philippine Statistics Authority.
Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa banta ng impeachment dahil sa isyu ng confidential funds. Nanindigan siyang inosente at humiling sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang kaso.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang Bise Presidente ukol sa bagong listahan ng umano’y pekeng benepisyaryo. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *