NBI may listahan ng mga nagpapakalat ng fake news at kanilang financial backers

Iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 vloggers na umano’y nagpapakalat ng fake news laban sa mga opisyal ng gobyerno, ayon kay Director Jaime Santiago.
Ayon kay Santiago, tila may iisang tema ang mga maling impormasyon na lumalabas, kaya may hinalang may nagpopondo at nag-uudyok sa mga ito. “Dumarami sila at mukhang iisa ang direksyon nila, na nagdadagdag sa gulo sa politika. Hindi ito dapat mangyari,” aniya.
Bukod sa mga vloggers, inaalam din ng NBI kung sino ang posibleng nasa likod ng kanilang operasyon at kung may malalaking pondo na sumusuporta rito. “May namumuno ba sa kanila? May nagpopondo ba?” Iyan ang mga tanong na nais sagutin ng imbestigasyon. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *