Pinawalang-bisa ng korte sa South Korea ang impeachment ng Prime Minister – Yonhap

Pinawalang-bisa ng Constitutional Court ng South Korea ang impeachment ni Prime Minister Han Duck-soo, kaya siya bumalik bilang acting president.
Sa botong 5-1, ibinasura ng walong mahistrado ang kaso laban kay Han. Ayon sa ulat ng Yonhap, dalawa pa ang bumoto para tuluyang ibasura ang impeachment motion.
Si Han ay pinatalsik ng oposisyon matapos tumangging magtalaga ng dagdag na mga hukom sa korte, na siya ring hahawak sa impeachment ni President Yoon Suk Yeol. Pero ayon sa korte, bagama’t ilegal ang hindi pagtatalaga ng mga hukom, hindi ito sapat para mapatalsik si Han.
Samantala, abangan ang hatol sa impeachment ni Yoon! Kailangan ng anim na boto para tuluyang alisin siya sa puwesto. Habang naghihintay ng desisyon, mas tumitindi ang kilos-protesta ng kanyang mga tagasuporta at kritiko. | via Lorencris Siarez | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *