Pinuri ng Social Security System (SSS) ang Employees’ Compensation Commission (ECC) sa 50 taon nitong pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawang Pilipino na nakaranas ng aksidente o sakit dahil sa trabaho.
Ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph Montes De Claro, malaki ang papel ng ECC sa pagbibigay ng tulong pinansyal at pagsulong ng kaligtasan sa trabaho. Mula 1975 hanggang 2024, mahigit P39.1 bilyon ang naipamahagi sa 2.7 milyong benepisyaryo ng Employees’ Compensation (EC) benefits.
Sa naturang halaga, P31.6 bilyon ang napunta sa long-term benefits, kabilang ang P27 bilyong EC death benefits sa halos 42,000 claimants at P5.1 bilyong EC disability benefits sa 78,000 manggagawa. Samantala, P7.5 bilyon ang nailaan sa short-term benefits tulad ng EC sickness, medical services, funeral, at rehabilitation assistance.
Tiniyak ng SSS ang patuloy nitong pakikipagtulungan sa ECC upang mapanatili ang seguridad at proteksyon ng mga manggagawang Pilipino. | via Allan Ortega | pna.gov.ph
#D8TVNews #D8TV