Extended na ang operating hours ng MRT-3 simula March 24

Mas mahaba na ang biyahe ng MRT-3 sa gabi mula Marso 24!
Ayon sa DOTr, mas maraming tren ang idedeploy tuwing rush hour para mas mabilis ang biyahe ng commuters.
Simula ngayon, ang North Avenue station ay magsasara na ng 10:25 p.m. (southbound), habang ang Taft Avenue station ay magsasara ng 11:04 p.m. (northbound). Ang unang biyahe ng tren ay 4:30 a.m. (North Ave) at 5:05 a.m. (Taft Ave).
Ang extension na ito ay inutos ni DOTr Secretary Vince Dizon matapos ang inspeksyon sa ilang istasyon noong Marso 17.
May 16.9-km ang MRT-3 na may 13 istasyon, mula Quezon City hanggang Pasay City. | via Allan Ortega | Photo via MRT-3

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *