Simula Lunes ng tanghali, pansamantalang libre ang toll sa NLEX northbound mula Balintawak hanggang Meycauayan.
Ayon sa NLEX Corporation, mananatili ang toll relief hanggang maibalik ang apat na linya sa Marilao northbound.
Nasira ang Marilao Bridge matapos banggain ng isang 18-wheeler tanker na lampas sa 4.27-meter height limit, dahilan ng matinding trapiko.
Nagpatupad ng rerouting at traffic adjustments para sa seguridad ng mga motorista habang inaayos ang tulay.
Ang hakbang na ito ay tugon sa panawagan ni DOTr Secretary Vince Dizon na ipatupad ang libreng toll habang ginagawa ang mga repairs.
“Hinihingi namin ang pasensya at pang-unawa ng publiko habang minamadali ang pagkukumpuni,” ayon sa pahayag ng NLEX. | via Allan Ortega | Photo via NLEX Corp.
#D8TVNews #D8TV