Magpapakalat ng libreng sakay ang gobyerno sa gitna ng tatlong araw na tigil-pasada ng transport group na Manibela. Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, mas maraming bus at tren ang ide-deploy sa EDSA Busway, MRT-3, at LRT Lines 1 at 2. Ang MMDA rin ay magpapakalat ng libreng sakay sa apektadong ruta.
Samantala, ilang paaralan ang lilipat sa online classes, ang iba Lunes lang, habang ang iba ay tatagal hanggang Miyerkules.
Hindi naman sasali ang Pasang Masda sa tigil-pasada. Ayon sa kanilang lider na si Obet Martin, perwisyo lang ito sa publiko.
Hinikayat ni Dizon ang Manibela na huwag nang ituloy ang strike at makipag-usap na lang sa gobyerno tungkol sa kanilang reklamo laban sa Public Transport Modernization Program. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV