Nagsimula ngayong Lunes ang 3-day transport strike ng grupong Manibela, kaya agad nagpakalat ng libreng sakay ang NCRPO, MMDA, at ilang LGU para sa mga stranded na commuters.
Ayon kay NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo, nasa 8,000 pulis ang ide-deploy, kasama ang halos 2,500 mula sa Civil Disturbance and Management unit.
Samantala, tiniyak ng MMDA na may nakahandang sasakyan para sa libreng sakay at mahigpit nilang babantayan ang strike gamit ang CCTV sa buong Metro Manila.
Nilinaw rin ng MMDA na magpapadala lang sila ng libreng sakay “kung kinakailangan” para hindi maapektuhan ang kita ng mga jeepney driver na hindi sumali sa strike. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV