Pinangunahan ng Quezon City ang Earth Hour 2025

Hinihikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte noong biyernes ang mga businesses at mga residente na makiisa sa taunang Earth Hour at mag “switch off” ng mga hindi mahahalagang ilaw ng isang oras noong sabado.

Si Mayor Belmonte ay isang United Nations Environment Program Champion of the Earth Awardee.

“Sa tuwing nagpapatay tayo ng ilaw hindi lang tayo nagtitipid ng energy, kundi tayo ay tumitindig laban sa patuloy na tumataas na greenhouse gas emission na nagdudulot ng climate change. Itong simpleng gawain na ito’y may malaking impact sa planeta at kailangan na natin umaksyon.” ayon kay Mayor Belmonte.

Upang maipakita ang suporta ng komunidad sa sustainability at climate action idinaos ang event na ito sa Robinson Magnolia. Ang naturang event ay mayroong exhibits, talks, at special screening ng “A Thousand Forests” isang coming-of-age musical film na sinulat ni Jeff Ocampo at dinirek ni Hanz Florentino.

Nakatuon pa rin ang lungsod sa pagpapanatili ng environmental responsible sa pamamagitan ng pagbaba sa mga komunidad at pakikipagtulungan sa mga ahensya at mga organisasyon na nagpo-promote ng sustainability. | Photo via Quezon City Government FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *