Makakabalik na ang Santo Papa sa Vatican

Makakalabas na ng ospital ang Santo Papa matapos ang 37 days niya sa ospital. Sabi ng mga doctor ng Santo Papa, makakabalik na sa vatican ang Santo Papa.

Noong February 14 ay na admit siya sa ospital sa Roma dahil siya ay nahihirapang huminga at kinalaunan ay na diagnose na siya na mayroong pneumonia. Nitong 2 linggong nakalipas ay nakitaan ng pagbuti ng kalagayan ang Santo Papa kaya’t makakabalik na siya sa kanyang Vatican residence.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni, bumubuti na ang kalagayan ng Santo Papa at sa mga susunod na araw ay babalik na ito sa kanyang mga tungkulin. Kahit na siya ay naka-admit sa ospital ay ginagawa pa rin ng Santo Papa ang kanyang mga tungkulin, kaya’t mahalaga na magkaroon siya ng maayos na pahinga.

Sa kanyang Vatican residence patuloy siyang bibigyan ng oxygen at 24-hour health support. Noong biyernes ay nanatiling stable ang kalagayan ng Santo Papa lalo na ang kanyang paghinga at paggalaw. | Photo via Vatican Press Hall

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *