Ang dating Heavyweight Champion na si George Foreman ay pumanaw na sa edad na 76, ayon sa statement ng pamilya ng dating champion.
Ayon sa statement, si George Foreman ay namatay kahapon March 21 2025. Sabi pa ng pamilya ang dating champion ay namatay nang payapa at napapalibutan ng kanyang mga mahal sa buhay.
Si George Foreman ay ipinanganak noong January 10, 1949 sa Houston, Texas. Noong siya’y nagbibinata madalas siyang napapa-trouble at sa edad na 16 siya’y nagdrop-out sa school. Noong siya’y 19 na siya ay nagkamit ng super-heavyweight gold sa Mexico Games noong 1968.
Noong 1974 nagtapat sila ni Muhammad Ali, sa mga panahong itong si Foreman ay hindi pa natatalo sa 40 na laban, tinalo siya ni Ali hindi naging sapat ang stamina ng dating kampyeon sa taktika ni Ali. Natapos ang kanyang kampanya para sa isang titulo noong siya’y tinalo ni Jimmy Young noong March 1977, matapos ang laban si Foreman ay nagkasakit.
Siya ay nagretiro sa edad na 28 at siya’y naging ordained minister, 10 taon ang nakalipas siya ay bumalik sa boxing at sa kabuuan ng kanyang boxing career siya’y nagtala ng 76 na panalo, sa mga panalo na yon 68 doon ay knockout. | Photo via George Foreman’s Facebook Page
#D8TVNews #D8TV