Ipinahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng sama-samang pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa isang job fair sa Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay PBBM, hindi kayang solusyunan ng ahensya lamang ang mga hamon ng bansa kaya’t hinihikayat niya ang iba pang mga ahensya para pagtulungan ang mga problema na kinahaharap ng ating bansa. Nanindigan ang presidente na tuloy-tuloy ang suporta ng gobyerno sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Ang job fair na ito ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment, sila ay nag-alok ng 3,600 na trabaho mula sa 41 employers, kasabay nito nagdaos naman ang Department of Health ng medical mission na nagbibigay ng libreng laboratory tests, X-ray, bakuna, at consultation sa mga nag-a-apply. Mayroon ding one-stop shop para sa pre-employment screening at iba pang serbisyong pangkabuhayan. | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV