Lumagda kahapon ng kasunduan ang Presidential Communications Office (PCO) at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para bumuo ng task force upang labanan ang AI generated deepfake.
Isang AI application kontra AI generated deepfake ang gagamitin ng gobyerno. Ang nasabing software ay may kakayahang makadetect ng AI Generated deepfake sa loob ng 30 segundo.
Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, ang PCO ang mamumuno National Deepfake Task Force. Bilang paghahanda sa nasabing task force naglaan ang CICC dalwang milyong piso sa software na dinevelop ng Ensign Info Services. Dagdag pa ni Ramos na nakakatanggap sila ng 200 to 300 AI Generated deepfake reports kada araw.
Kasalukuyang nasa accreditation process na ang software at ayon pa sa CICC ay magkakaroon pa ng training kung papaano gamitin ang software na ito. | Photo via PNA