Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11, bumaha ang maling impormasyon sa social media, ayon sa fact-checking group na Tsek.ph. Mas marami pang fake news ang kumalat tungkol sa kanya kaysa sa impeachment ni VP Sara Duterte.
Nagkalat ang pekeng quotes mula sa celebrities at world leaders, edited na videos ng mga walang kaugnay na kaganapan na pinalabas bilang pro-Duterte rallies, at maling balitang siya raw ay “dinukot.” Maging si TV host Vice Ganda ay ginamit sa isang fake post na pumuri kay Duterte, na umani ng milyon-milyong views online.
Maging ang international news outlets tulad ng BBC at The New York Times ay ginamit sa pekeng balita. Sa YouTube, isang video ng World Cup celebration sa Argentina ay pinalabas na pro-Duterte rally sa Maynila.
Sa kabila ng pagkalat ng maling impormasyon, patuloy ang ICC sa paghawak ng kaso laban kay Duterte kaugnay ng drug war killings. Habang lumalakas ang kampanya ng kanyang mga tagasuporta online, patuloy ding nakakatanggap ng banta ang mga pamilya ng biktima ng war on drugs. | via Lorencris Siarez | Photo via AFP / Jam Sta Rosa
#D8TVNews #D8TV