Mainit ang ulo ni US President Donald Trump matapos harangin ng korte ang kanyang mga plano sa deportasyon! Isang federal judge ang nagbabala sa administrasyon ni Trump dahil sa paglabag sa utos laban sa biglaang pagpapatapon ng mga Venezuelan migrants, kabilang ang isang soccer player na inakusahan ng pagiging miyembro ng gang dahil lang sa tattoo!
Sumigaw si Trump sa social media, hiniling sa Supreme Court na pigilan ang mga “radikal” na hukom na humaharang sa kanyang mga desisyon. Galit din siya sa Chief Justice na si John Roberts, na nagpaalala na hindi impeachment ang sagot sa hindi pagkakasundo sa desisyon ng korte.
Samantala, tila hindi agad nakinig ang administrasyon ni Trump—nakalipad na ang 237 Venezuelans patungong El Salvador! Walang takas sa gulo, lalo na’t may mga mambabatas na nagsasabing delikado ang ginagawa ni Trump sa batas ng Amerika! | via Lorencris Siarez | Photo via Tiemey L CROSS / AFP
#D8TVNews #D8TV