Huli ang 131 manggagawa ng isang iligal na POGO hub sa Makati matapos ang raid ng mga awtoridad! Ayon kay PNP-CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, kabilang sa mga nahuli ang 96 na dayuhan at 35 na Pilipino sa Yuchengco Tower 1, RCBC Plaza.
Nasakote rin si “Michael,” isang wanted sa kasong pagnanakaw. Isang banyaga ang nag-tip sa mga pulis tungkol sa iligal na online casino sa Flying Future Services Office, kaya agad nilang ni-raid ang lugar.
Nasamsam ang mga gadgets at dokumentong gamit sa operasyon. Kabilang sa mga dayuhang nahuli ay 58 Chinese, 12 Taiwanese, 8 Japanese, at iba pa.
Tatlong Chinese bosses din ang inaresto: “Guge” ng Intech World, “Layson” ng Omniach, at “Younger” ng Urban Ideas.
Kinasuhan ng human trafficking, illegal gambling, at cybercrime ang mga suspek, habang ang ibang dayuhan ay nasa kustodiya ng PAOCC para sa karagdagang imbestigasyon. | via Lorencris Siarez | Photo via CIDG
POGO raid sa Makati 131 ang nahuli
