Kakailanganin ng Ginebra Gin Kings na makahanap ng paraan upang maidikit ang series na 2-1 laban sa TNT Tropang Giga kung sakaling hindi makakalaro si Justin Brownlee sa Game 4 ng PBA Finals.
Sa third quarter ng Game 3 ng PBA Finals, na-dislocate ang hinlalaki ni Brownlee na nag-iwan ng malaking puwang sa Ginebra, si Troy Rosario ang kumuha ng hamon para punan ang puwang na naiwan ni Brownlee.
“Malaking setback ‘yon sa amin sa game noong nawala si Justin kasi yung No.1 option namin, nawala” ito ang nasabi ni Rosario.
“Down ‘yong isang kasama namin [kaya] lahat kailagang mag step-up” dagdag pa ni Rosiario.
Nabuhayan ng loob ang mga Gin Kings, ngunit bigo ang rally ng mga ito nang matapos ang Game 3 sa score na 85-87.
Ayon pa kay Rosario, hindi lang talaga sila maka-secure ng importanteng rebounds lalo na sa pagtatapos ng laro. Ito ay dahil sa 4 na sunod-sunod na offensive rebounds ng TNT na nagbunga pa ng Left Corner triple mula kay Rey Nambatac na tinaguriang Player of the Game.
Mamayang 7:30 pm. na ang Game 4 ng PBA Finals sa Ynares Center sa Antipolo. | PBA image
No.1 option ng Ginebra nawala
