Mahigit 12k ang bilang ng mga Bar Examiners ngayong taon

12,114 ang mga bar examinees ang nakakumpleto na ng kani-kanilang registration para sa 2025 online Bar examinations, ang bilang na ito ay mas mataas kumpara sa 10,490 noong nakaraang taon. Ang 2025 Online Bar Examinations ay pamumunuan ng Supreme Court (SC) sa September 7, 10, at 14.
Ayon sa SC, mayroon pang 1,239 na examinees ang hindi pa verify ang kanilang registration dahil hindi pa sila nakakapagbayad ng registration fee na P12,800. Ang deadline para makapagparehistro sa online Bar exams ay natapos na noong Lunes, March 17.
Ang mamumuno sa 2025 Bar Examinations ay si SC Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier.
May anim na pangunahing subjects sa exam, dalawang subject bawat araw mula 8am. – 12pm. at 2pm. – 6pm.
September 7
Political and Public International Law – 8am.
Commercial and Taxation Laws – 2pm.
September 10
Civil Law – 8am.
Labor Law at Social Legislations – 2pm.
September 14
Criminal Law – 8am.
Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises – 2pm.
Ayon sa Bar Bulletin, si SC Associate Justice Amy Lazaro-Javier na mismo ang maghahanda ng exam kasama na din ang tulong ng 4 na examiners kada subject ito ay upang tiyakin na mabilis at mabusisi ng maayos ang pagproseso ng mga resulta.
“Simple at diretsahan ang mga tanong, at idinisenyo para sukatin kung gaano kahusay ang pag-unawa ng mga examinee sa pangunahing kaalaman sa batas na kailangang taglayin ng isang bagong abogado.”, dagdag pa ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier. | Photo via PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *