Wala nang 45-day limit sa PhilHealth confinement! Simula April 4, tatanggalin na ang lumang patakaran na pumipigil sa mahabang gamutan ng mga miyembro at kanilang dependents.
Ayon kay PhilHealth President Dr. Edwin Mercado, “Luma na ang polisiyang ito. Maraming pasyente ang nangangailangan ng mas mahabang pananatili sa ospital.”
Dati, may 45-araw lang kada taon ang mga miyembro at dependents para sa hospital confinement. Kapag lumagpas, sariling gastos na. Ngayon, wala nang ganitong limitasyon!
Ang mga ospital ay inatasang mag-review ng matagalang confinement para masigurong maayos ang serbisyo. Mahigpit ding babantayan ng PhilHealth ang mga paggamit ng benepisyo.
Sa bagong polisiyang ito, layunin ng PhilHealth na bigyan ang mga Pilipino ng mas maayos at abot-kayang serbisyong pangkalusugan nang hindi natatakot sa malaking gastusin. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph
#D8TVNews #D8TV