Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Region 8 ay bumaba na sa higit 76% ngayong buwan mula sa 499 noong 2019 ay 119 na lamang ito.
Ang pagbaba ng bilang ng mga miyembro ng NPA ay dahil sa pagtutulungan ng local task force at ng National Task Forces to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC), ito ay ayon sa panayam kay Lt. Col. Joemar Buban, Assistant Chief of Staff for civil-military operations of the Philippine Army’s 8th Infantry Division.
Sa loob ng anim na taon ang kampanyang ito ay nagresulta sa 461 na engkwentro, 791 neutralized na miyembro ng NPA, pagkakadiskubre sa 620 na hideouts ng mga NPA, at ang pag-recover ng 1,827 na armas kasama na rito ang 703 anti-personnel mines ayon kay Buban. “Narating na natin ang punto kung saan mas mataas na ang bilang ng mga neutralized kaysa sa mga nare-recruit. Tapos na halos ang ating operasyon, bagamat may ilang nalalabing miyembro pa sa kabundukan ng rehiyon.” dagdag ni Buban
Binigyang-diin ni Buban na hindi lamang nakatuon sa mga operasyong militar ang kanilang ginagawa, kundi pati na rin sa pagtugon sa ugat ng insurhensiya. | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV