BINI nakamit ang 1 Bilyon streams

P-Pop group na BINI ay nakapagtala na ng lagpas isang bilyong stream sa spotify. BINI ang kauna-unahang P-Pop group na nakapagtalaga ng isang bilyong streams.
“Dreams turned into reality” ang sinabi ng grupo patungkol sa milestone na kanilang narating.
Nagdiwang naman ang mga Blooms o mga fans ng BINI gamit ang #BINI1BillionSpotifyStreams sa X (dating Twitter)
Noong nakaraang buwan sinimulan ng grupo ang kanilang BINIverse World Tour 2025 sa Philippine Arena, sila naman ay naka-schedule na lumipad sa May 18 para mag-concert ang grupo sa Dubai upang bigyan saya ang ating mga kababayan at Blooms doon. Ito’y bahagi pa rin ng kanilang BINIverse World Tour.
Ang grupo ay nabuo noong 2021, ang BINI ay nakilala sa kanilang mga kantang “Pantropiko”, “Karera”, “Salamin”. Ang grupo ay binubo nila Aiah, Colet, Gwen, Jhoanna, Maloi, Mikha, Stacey, and Sheena. | Photo via BINI_ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *