Nagtiti-tili pang tinanggap ng internet start na si Ivana Alawi ang pa-surprise sa kanyang buhay na manok mula sa mga magsasaka. Kompletos recados ang pasalubong sa kanya dahil bukod sa manok, mayroon ding itlog, gulay, prutas at kung anu-ano pa. Thankful ang mga magsasaka dahil palagi raw silang napapaligaya ni Alawi sa kabila ng mabigat na trabaho.
Si AGAP Partylist Congressman Nicanor Briones, nandun din. Sya pa nga ang nagabot ng regalo na ikinatuwa naman ng aktres. Game na game naman si Alawi na nangangakong aalagaan ang native na manok at hindi iti-tinola. Pero say nya, may special place sa kanyang puso ang mga magsasaka at mangingisda. Sa katunayan, marami na syang vlog na ginawa na tungkol sa agriculture.
Samantala ang AGAP Partylist naman, may target ngayon para sa mga tulad nilang magsasaka. Makatlong ulit daw na mas malaking pondo ang pangarap nila ngayon para sa mga nasa sector ng pagsasaka. Yan ay kung magiging tatlo ang representasyon nila sa kongreso ngayong taon.
#D8TVNews #D8TV