433 dating NPA sa Eastern Visayas, humihingi ng amnestiya

Pumalo na sa 433 ang bilang ng dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas na humihingi ng amnestiya mula sa National Amnesty Commission (NAC) batay sa datos noong Disyembre 2024.

Sa kabuuan, 334 aplikasyon ang pinoproseso ng Local Amnesty Board (LAB) sa Catbalogan City para sa Samar Island, habang 99 naman ang isinumite sa Tacloban City LAB para sa Leyte Island.

Ayon kay NAC Chairperson Leah Tanodra-Armamento, malaking hakbang ang amnestiya para sa reintegration ng mga dating rebelde sa komunidad. Saklaw nito ang mga krimeng may kaugnayan sa rebelyon, pero hindi kabilang ang mga pribadong krimen tulad ng panggagahasa.

Sumasailalim ang mga aplikasyon sa masusing pagsusuri ng NBI upang tiyaking sakop ng amnestiya ang kaso. Ang mga aplikante ay binabantayan ng LAB at maaaring makatanggap ng benepisyo tulad ng financial support, livelihood programs, scholarships para sa mga anak, at health benefits.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *