Opisyal nang ipinasakamay ng Philippine Red Cross (PRC) sa Philippine Coast Guard (PCG) ang humanitarian vessel na MV PRC Amazing Grace sa isang turn-over ceremony sa Pier 13, South Harbor, Manila.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, tiwala siyang magagamit ng PCG nang maayos ang barko, lalo na sa pagresponde sa kalamidad at paghahatid ng tulong sa mga liblib na lugar.
Ang 195-talampakang barko, na dating tinawag na MV Susitna, ay nabili ng PRC noong 2017 at nagamit sa medical deployment, sea rescue, at mass evacuation noong bagyong Rolly noong 2020.
Pinuri naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang PRC sa mahalagang donasyong ito na makakatulong sa pagpapatibay ng seguridad sa karagatan ng bansa.