Muling pinaalalahanan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang mga kapulisan na manatiling neutral sa gitna ng kontrobersya sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng pagsasampa ng kaso laban kay Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas ng QCPD dahil sa pag-post ng hinaing sa social media ukol sa naturang pag-aresto. Kinasuhan si Fontillas ng inciting to sedition at paglabag sa cybercrime law.
Iginiit ni Marbil na ang PNP ay haligi ng batas at kaayusan, at hindi dapat gamiting plataporma para sa personal o political na agenda. Binalaan din niya ang mga pulis na haharapin ang sinumang maging partisan at makasisira sa tiwala ng publiko sa PNP. | Photo via wikipedia