Tuloy pa rin ang state visit ni Britain’s King Charles III sa Vatican ngayong Abril, kahit na-confine si Pope Francis dahil sa pulmonya, ayon sa Buckingham Palace.
Ayon sa programa, maghaharap ang hari at ang Santo Papa sa Abril 8. Ipinadala na ni Charles ang kanyang panalangin para sa paggaling ng 88-anyos na pontiff, na mahigit isang buwang ginagamot sa Rome.
Sasamahan ng asawang si Queen Camilla, bibisita rin si Charles sa Italy mula Abril 7-10. Magsasalita rin siya sa Italian Parliament—unang beses para sa isang British monarch.
Kahit may cancer diagnosis noong Pebrero, tuloy ang biyahe ni Charles. Matagal nang magkaiba ang Church of England at Simbahang Katoliko matapos ang reformation noong 1500s. | via Allan Ortega | Photo via msn
King Charles III, tuloy ang Vatican visit kahit nasa hospital si Pope
