

Mahigit P3.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa isang buy-bust operation sa likod ng isang parking lot sa Sta. Cruz, Laguna noong Marso 17, 2025.
Naaresto ang dalawang high-value drug personalities na sina alias Leovigildo (38) at alias Allan (45), parehong residente ng Pagsanjan, Laguna.
Nasamsam mula sa kanila ang 500 gramo ng shabu at buy-bust money. Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA Region 4A ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Lorencris Siarez | Photo via PDEA