DepEd babawasan ang paperwork ng mga guro ng 57%

May good news para sa mga guro! Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na babawasan nila ang paperwork ng mga guro ng 57% mula sa 174 na school forms. Sa ilalim ng bagong panuntunan, lima na lang ang kailangang regular na forms na sagutan ng mga public school teachers.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, matagal nang reklamo ng mga guro ang sobrang dami ng papeles. “Mas magiging epektibo ang pagtuturo kung mas kaunti ang admin work,” ani Angara.
Bukod dito, isinusulong din ng DepEd ang mas maayos na data management system para alisin ang mga luma at hindi na kailangang dokumento. Magkakaroon din ng kampanya para ipaalam ang mga reporma sa sektor ng edukasyon.
Batay sa isang pag-aaral, 42% ng mga guro ang nagtatrabaho ng higit 50 oras kada linggo, na malaking bahagi ay nauubos sa paperwork imbes na sa pagtuturo. Layunin ng bagong patakaran na mas bigyang-diin ang kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga guro! | via Allan Ortega Photo via DepEd/Alezandro Bravo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *