Imee Marcos gustong imbestigahan ang pag-aresto kay Duterte

Hiniling ni Senator Imee Marcos ang agarang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa kontrobersyal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Marcos, kailangang tiyakin kung nasunod ang due process lalo na’t sangkot dito ang Interpol at International Criminal Court (ICC).
Bilang chairperson ng Senate committee on foreign relations, nais niyang ipatawag ang PNP, DOJ, NSC, at iba pang ahensya para linawin ang policy ng bansa sa law enforcement at international tribunals.
Samantala, itinanggi ni Pangulong Bongbong Marcos na may kinalaman ang gobyerno sa ICC case laban kay Duterte. Aniya, sumunod lang sila sa Interpol pero hindi sila nakikipagtulungan sa ICC. | via Allan Ortega | Photo via imeemarcos.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *