Kris Aquino, iniwan ng doktor na nobyo; patuloy na lumalaban sa kanyang sakit

Kinumpirma ni Kris Aquino na iniwan siya ng kanyang doktor na kasintahang si Mike Padlan dahil mahirap umano siyang mahalin. Ayon kay Kris, mas pinili ng doktor ang kalayaan at hindi naman daw siya tunay na minahal nito.
Sa kanyang Instagram post, inamin niyang labis ang kirot hindi lang sa damdamin kundi pati sa kanyang katawan dulot ng kanyang autoimmune diseases. Sa kabila nito, nagpapakatatag siya para sa kanyang anak na si Bimby.
Maraming celebrities at netizens ang nagpahayag ng suporta at panalangin para sa kanyang paggaling, kabilang sina Aga Muhlach, Melai Cantiveros, at Jinkee Pacquiao. Sa kabila ng pagsubok, nananatili siyang matibay at patuloy na lumalaban. | via Lorencris Siarez | Photo via Kris Aquino/IG

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *