Lumalapit na sa 600,000 metric tons (MT) ang mga imported na bigas na dumating sa bansa! Ayon sa Bureau of Plant Industry, umabot na sa 579,055.81 MT ang naipasok na bigas hanggang Marso 6.
Pinakamalaking supplier pa rin ang Vietnam na may 76% o 440,207.42 MT ng kabuuang shipment. Sumunod ang Pakistan (11.1%) at Thailand (9.5%), habang may bahagi rin ang Myanmar, India, at South Korea.
Samantala, tinataya ng Philippine Statistics Authority (PSA) na aabot sa 4.72 milyon MT ang produksyon ng palay mula Enero hanggang Marso. Bababa na nga ba ang presyo ng bigas? | via Lorencris Siarez | Photo via bworldonline.com
#D8TVNews #D8TV