Handa ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa Interpol sakaling may bagong arrest warrant laban sa iba pang personalidad na iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, may template na ang PNP sa pag-aresto matapos mahuli si Duterte noong Marso 11 pagbalik niya mula Hong Kong. Na-turn over siya sa ICC Detention Center sa Netherlands kinabukasan.
Wala pang impormasyon ang PNP sa karagdagang arrest warrant, pero tiniyak ni Fajardo na handa silang umaksyon kung hihingi ng tulong ang Interpol.
Samantala, itinanggi niya ang mga balitang may mga pulis na nagbitiw bilang suporta kay Duterte, at pinaalalahanan ang publiko na huwag basta maniwala sa fake news sa social media. | via Allan Ortega | Photo via ICC website
#D8TVNews # D8TV