Mariing itinanggi ng Malacañang ang anumang “loyalty check” sa hanay ng pulis at militar kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.
Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa katapatan ng PNP at AFP. “Walang nagre-resign,” diin ni PNP spokesperson Gen. Jean Fajardo at AFP officials.
Iginiit nilang fake news lang ang kumakalat na kwento ng mass resignation upang palakihin ang simpatya kay Duterte. Hinimok ng Palasyo ang publiko na maging mapanuri at huwag kalimutan ang isyu ng EJKs.
Si Duterte ay nasa ICC detention center at haharap sa korte ngayong gabi. | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph
No need for loyalty check, Palasyo kampante sa PNP at AFP
