Si Stephen Curry ang kauna-unahang NBA player na umabot sa 4,000 career 3-pointers habang pinatibay ng Golden State Warriors ang kanilang anim na sunod na panalo sa isang 130-104 na dominasyon kontra Sacramento Kings!
Hindi na kinailangan ni Curry ang malaking opensa, nagtala lang siya ng 11 puntos, habang si Draymond Green ay bumanat ng 23 points at apat na tres. Bumalik din si Jonathan Kuminga mula sa injury at gumawa ng 18 puntos sa 20 minuto.
Mainit ang Warriors sa opensa, tumira ng 22 tres mula sa 39 attempts (56.4%), dahilan para kontrolin ang laro mula umpisa hanggang dulo.
Si DeMar DeRozan ang nanguna sa Kings na may 23 puntos, pero hindi ito sapat para pigilan ang matikas na Warriors.
Golden State, panalo sa 13 sa huling 15 laro! Ang Sacramento naman, tatlong sunod na talo at patuloy na lumulubog. | via Allan Ortega | Photo via NBA
NBA: Naabot ni Stephen Curry ang 4,000 career 3-pointers sa panalo ng Warriors
