Imee Marcos hindi sumama sa kampanya ng administrasyon: ‘Hindi ko matanggap ang ginawa kay Duterte’

Hindi sumipot si Senator Imee Marcos sa sortie ng ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ sa Tacloban nitong Biyernes. Ayon sa kanya, hindi niya matanggap ang pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaresto si Duterte noong Marso 11 sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court dahil sa umano’y krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng kanyang war against illegal drugs.
“Nagpapaumanhin ako sa mga kababayang Waray, na hindi ako makakadalo sa rally mamaya sa Tacloban,” ani ni Marcos sa isang Facebook post. Dagdag niya, patuloy niyang pinag-aaralan ang sitwasyon upang makahanap ng solusyon sa nangyari kay Duterte. | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *