Isang Filipino seafarer ang naiulat na nawawala matapos bumangga ang chemical tanker at container ship sa baybayin ng England noong Marso 10. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang seaman ay sakay ng MV Solong nang bumangga ito sa oil tanker na Stena Immaculate sa Humber Estuary, Hull, England.
Huling nakita ang seaman sa unahan ng barko—ang bahagi kung saan sumiklab ang apoy matapos ang malakas na pagsabog. Walong iba pang tripulante ang nailigtas at kasalukuyang nasa isang hotel sa London habang inaantay ang kanilang repatriation.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa UK, habang tiniyak ng DMW at ng manning agency na may suporta at tulong para sa pamilya ng nawawalang seafarer. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph
Kinumpirma ng DMW na nawawala ang Filipino seaferer matapos ang banggaan ng mga barko sa UK
