Mag-aapoy ang laban sa Biyernes sa pagitan ng Barangay Ginebra at TNT sa PBA Finals! Sa dami ng beses nang nagharap ang dalawang koponan, tila pamilyar na sila sa laro ng isa’t isa. Pero may baon kaya silang sorpresa? Matapos matalo sa huling dalawang finals laban sa TNT, gagamitin ng Gin Kings ang lakas nina Troy Rosario at Jamie Malonzo para makabawi. Pero ayon kay coach Tim Cone, execution pa rin ang magdidikta ng laban. Mabigat ang pagkawala ni Jayson Castro dahil siya ang naging Finals MVP noong tinalo nila ang Ginebra. Pero malakas pa rin ang Tropang Giga sa pangunguna ni import Rondae Hollis-Jefferson, Calvin Oftana, at Rey Nambatac. Muling magtatapat ang dalawang elite imports ng liga. Si Hollis-Jefferson, kahit nag-aayuno para sa Ramadan, ay patuloy na nagdadala sa TNT at posibleng magwagi bilang Best Import. Sino kaya ang magpapakita ng lakas sa Game 1! | via Allan Ortega | Photo via fastbreak.com.ph
Ginebra vs. TNT, sinong magpapakita ng lakas ngayong Game 1
