Haharap ngayong Biyernes (gabi sa Maynila) si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pre-Trial ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga kaso ng crimes against humanity.
Dumating si Duterte sa Netherlands nitong Miyerkules ng gabi at agad dinala sa ICC Detention Center sa The Hague.
Ayon sa ICC, tatalakayin sa pagdinig ang pagkakakilanlan ni Duterte, wikang gagamitin niya sa proseso, at ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Si Duterte ay may arrest warrant dahil sa mga umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs mula 2011 hanggang 2019. Ayon sa gobyerno, umabot sa 6,000 ang namatay, ngunit sabi ng ICC at human rights groups, maaaring nasa 12,000-30,000 ang bilang.
Bagamat iniatras ng Pilipinas ang pagiging miyembro nito sa ICC noong 2019, pinanindigan ng korte na may hurisdiksyon pa rin ito sa mga krimen bago ang pagkalas ng bansa. | via Lorencris Siarez | Photo via theprint.in
Dating Pangulong Duterte haharap sa pre-trial ng ICC ngayong Biyernes
