Mariing nanawagan ng hustisya si Lizel Asuncion, biyuda ni Manny Asuncion, matapos ang balitang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Si Manny ay isa sa siyam na aktibistang brutal na pinaslang sa tinaguriang “Bloody Sunday Massacre” noong Marso 7, 2021, sa CALABARZON.
Ani Lizel, dapat managot si Duterte at ang kanyang mga tauhan, kabilang sina Debold Sinas at Lito Patay, na nagmaniobra sa madugong operasyon gamit ang gasgas na “nanlaban” na palusot. Hanggang ngayon, wala pang nakakamit na hustisya—ang kaso ni Manny ay ibinasura ng DOJ at nakabinbin pa ang apela. “Hindi kami titigil hangga’t may pananagutan ang mga salarin!” giit ng biyuda.
“Dapat managot si Duterte at ang kanyang mga tauhan, hindi kami titigil hangga’t may pananagutan ang mga salarin!” – Lizel Asuncion
