Matapos ang halos pitong taong pagkakakulong sa gawa-gawang kaso, ipinahayag ni dating Senador Leila de Lima ang kasiyahan sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit giit niya, hindi ito tungkol sa paghihiganti—hustisya ang dapat manaig para sa libu-libong biktima ng extrajudicial killings.
Si Duterte ay inaresto nitong Martes matapos ilabas ng International Criminal Court (ICC) ang warrant laban sa kanya dahil sa crimes against humanity. Ang kanyang madugong giyera kontra droga ay pumatay ng mahigit 6,000 ayon sa gobyerno, ngunit ayon sa mga human rights groups, posibleng umabot ito sa 30,000.
“Ipinaglaban ko ang aking kaso dahil alam kong wala akong kasalanan. Ngayon, si Duterte naman ang dapat managot sa batas,” ani De Lima. “Hindi sa korte ng opinyon, kundi sa tunay na hustisya.”
Matapos ang mahabang laban, iginiit ni De Lima na ang pagkamit ng hustisya ay patuloy na magpapatuloy. | via Allan Ortega | Photo via Parliamentarians for Global Action
“Pag-aresto kay Rodrigo Duterte ay hindi tungkol sa paghihiganti.” – de Lima
