Nahuli na si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos lumabas ang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y crimes against humanity. Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV, ito na ang tamang panahon para pag-isipan ni Duterte ang kanyang mga nagawa at “purify his soul.”
“Mahabang byahe ito, pero ito ang unang hakbang sa hustisya para sa libu-libong napatay sa war on drugs,” ani Trillanes.
Pinuri rin niya ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang papel sa pag-aresto kay Duterte. Aniya, nabawi ng mga pulis ang kanilang reputasyon matapos madawit sa madugong kampanya kontra droga. | via Lorencris Siarez | Photo via khaosodenglish.com
Trillanes: Sa pag-aresto kay Rodrigo Duterte gamitin niya ang panahong ito “to purify his soul”
