Pag-aresto Duterte hindi makakaapekto sa impeachment ni VP Sara

Sa kabila ng pag-aresto at paglipat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, tuloy pa rin ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado sa Hunyo 30, ayon kay Rep. Jil Bongalon ng House prosecution team.
“Walang epekto ito sa kaso ni VP Sara. Magkahiwalay na usapin ito,” ani Bongalon. Aminado siyang malaking kawalan si Duterte sa depensa ng kanyang anak.
Samantala, tinawag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na “divisive” ang impeachment, habang bukas naman si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III sa pagbuo ng special subcommittee para sa impeachment rules.
Bagamat mainit ang politika, umaasa ang Senado na hindi maaapektuhan ang progreso ng bansa. | via Allan Ortega | Photo via albawaba.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *