Magkakaroon ng malawakang earthquake drill sa buong bansa sa Huwebes, Marso 13, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD). Makikiisa rito ang lungsod ng Santa Rosa, mga kalapit na LGU, at mga rehiyon ng Calabarzon at Mimaropa.
Ayon kay OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno, sasali ang iba’t ibang sektor gaya ng special education schools, amusement parks, at Armed Forces Reserve Force. Tampok sa drill ang aerial damage assessment, rescue operations sa gumuhong gusali, pagtakas ng preso, at paglikas ng mga batang may learning difficulties.
Dahil nasa Pacific Ring of Fire ang bansa, mataas ang peligro ng lindol. Pinaalalahanan ng OCD ang publiko sa banta ng “Big One,” isang 7.2 magnitude na lindol na maaaring tumama anumang oras. Huwag maging kampante—handa dapat! | via Lorencris Siarez | Photo via fity.club
Earthquake drill sa buong bansa sa Huwebes, Marso 13
