Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong March 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa pinakahuling Labor Force Survey, naitala ang 2.58 milyong unemployed individuals, mas mababa kumpara sa 2.66 milyon noong Pebrero. Katumbas din ito ng 5% unemployment rate mula sa 51.65 milyong labor force.
Gayunman, bahagyang bumaba rin ang bilang ng may trabaho sa 49.07 milyon mula 49.43 milyon noong nakaraang buwan.
Tumaas naman ang underemployment rate sa 12.3% mula 11.8%, na nangangahulugang mas maraming manggagawa ang naghahanap ng dagdag na trabaho.
Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), magpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan para mapanatili ang trabaho at matulungan ang mga apektadong sektor sa pamamagitan ng job matching, reskilling, at social protection.
